Eligibility - TL ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

a clinical study for people with

ulcerative colitis

TH2262~2.PNG
  • Mga lalaki at babae na mahigit sa 18 taong gulang ang maaaring maging kwalipikadong lumahok sa pag-aaral na ito. Kumunsulta sa iyong doktor at para sa iba pang impormasyon, pindutin ito.

  • Ang mga kalahok ay dapat may kakayanang magbigay ng pinirmahang kasulatan ng nakauunawang pagsang-ayon.

  • Ang mga kalahok ay dapat may kumpirmadong diyagnosis ng katamtamang hanggang sa malubhang ulcerative colitis na hindi lalampas ng 15 cm (5.9 inches) mula sa anal verge na kinumpirma gamit ang colonoscopy.

  • Ang mga kalahok ay maaaring may kasaysayan ng mas mahabang diyagnosis ng sakit, ngunit sa panahon ng paglahok sa pag-aaral, ang mga pasyenteng may aktibong ulcerative colitis na limitado sa rectum lamang ang maaaring maging kwalipikadong lumahok sa pag-aaral.

  • Ang mga lalaking may kakayanang makabuntis at mga babaeng maaaring mabuntis ay kailangang hindi aktibong makikipagtalik o kaya ay dapat sasangayon sa paggamit ng mga pwedeng pamamaraan ng birth control sa loob ng di bababa sa 21 na araw bago ang simula ng pag-aaral at sa buong panahon ng gamutan.

  • Mga kalakok na may sumasangayong hindi sumailalim sa anal sex, anal bleaching, waxing, at iba pa.

  • Kasaysayan or kasalukuyang diyagnosis ng bakteryal o ibang nakahahawang colitis, radiation-enteritis at radiation-proctitis, Crohnโ€™s Disease, collagenous colitis at indeterminate colitis, recurrent pancreatic disease, sclerosing cholangitis, cirrhosis o hepatic impairment, avascular necrosis ng balakang.

  • Nakalipas na operasyongng gastrointestinal, ibang gastrointestinal na sakit (maliban sa Irritable Bowel Syndrome) o nagulong anatomiya ng bituka (Distorted intestinal anatomy).

  • Dumudugong almuranas or aktibong pansistemang impeksyon sa panahon ng paglahok.

  • Kasaysayan ng pabalik-balik na diverticulitis at/o diverticulitis sa panahon ng paglahok.

  • Kasaysayang ng pagkakadiyagnos ng malala, progresibo o di makontrol na sakit na nakalista sa protokol sa pag-aaral bilang pamantayan sa hinding pwedeng paglahok.

  • Clinically significant na abnormalidad sa ECG, o abnormal na function profile ng atay sa iskrining.

  • Antas ng hemoglobin sa suwero (serum) <7.5 g/dL.

  • Positibong resulta ng pagsusuri sa iskrining (Screening) para sa cytomegalovirus, tuberculosis, human immunodeficiency virus, hepatisis B o C infection.

  • Diyagnosis ng Addisonโ€™s disease, congenital adrenal hyperplasia o ibang klase pa ng adrenal insufficiency.

  • Kasaysayan ng ulcerative colitis na hindi rumeresponde sa gamutan gamit ang steroid.

  • Positibong pagsusuri sa dumi sa iskrining para sa enteric pathogens, clostridium difficile, o presensya ng ova at parasitiko.

  • Buntis o nagpapasusong mga babae sa panahon ng iskrining.

  • Paglahok sa ibang pag-aaral ng imbestigasyonal na gamot sa loob ng 30 araw bago ang Araw ng Pagbisita para sa Iskrining at sa panahon ng pag-aaral.

 

Upang malamang ang iba pang impormasyon tungkol sa pag-aaral, at kung anu-ano ang mga gagawin ng mga kalahok sa pag-aaral, pindutin ito.


Kasalukuyang nagrerekrut sa mga lugar ng pag-aaral sa buong mundo. Para mahanap ang pinakamalapit na lugar ng pag-aaral sa iyo, pindutin ito.

GB 4.1.5.3 Cessa flavicon.png
 

Cristcot HCA LLC 9 Damonmill Square, Suite 4A, Concord, MA 01742 USA

Patakaran sa Pribasiya | Mga Tuntunin sa Paggamit

Cessa ang pangalan ng kasalukuyang klinikal na pag-aaral para sa mga pasyenteng may ulcerative colitis. Hindi ito gamot na mabibili sa merkado/ pamilihan. 

Kung ikaw ay nakakaranas ng mga sintomas na may kinalaman sa IBD, kontakin ang iyong gastroenterologist