Terms of Use - TL 🇵🇭

a clinical study for people with

ulcerative colitis

Mga Tuntunin sa Paggamit


Petsa ng Pagkakaroon ng Bisa: Ika-1 ng Enero 2020

Ang dokumentong ito ang Kasunduan na namamahala sa Mga Tuntunin sa Paggamit sa aming website na cessa-uc.com. Ang impormasyong ibinibigay sa loob ng website na ito ay para lamang sa pangkalahatang impormasyon at mga layuning pang-edukasyon.

Mangyaring basahin at repasuhin ang Mga Tuntunin sa Paggamit na ito bago i-access o gamitin ang website na ito. Sa pag-access o paggamit sa website na ito, tinatanggap ninyo na nabasa, naintindihan ninyo, at sumang-ayon kayo sa Kasunduan sa Mga Tuntunin sa Paggamit. Kung hindi kayo sumasang-ayon sa Mga Tuntunin sa Paggamit, hindi ninyo maaaring i-access o gamitin ang website na ito.

Maaari naming baguhin ang Mga Tuntunin sa Paggamit paminsan-minsan sa pamamagitan ng pag-update sa pahinang ito. Dapat ninyong tingnan ang pahinang ito paminsan-minsan upang siguraduhin na sumasang-ayon kayo sa anumang mga pagbabago.

Gamit ng Website Ang impormasyong ibinigay sa loob ng website na ito ay para sa pangkalahatang impormasyon at mga layuning pang-edukasyon. May mga partikular na seksyon ang website na ito na nilayon para sa mga partikular na mambabasa kabilang ang komunidad ng pangangalagang pangkalusugan at ang kalahatang publiko. Ang inyong pag-access at paggamit sa impormasyong nilalaman sa loob ng website na ito ay napapailalim sa Kasunduan na ito sa Mga Tuntunin sa Paggamit. Sa pag-access at paggamit sa website na ito, tinatanggap ninyo, nang walang limitasyon o kwalipikasyon, ang Kasunduan na ito sa Mga Tuntunin sa Paggamit.

Nilalaman  Gagamitin ng Cristcot HCA LLC (Cristcot) ang mga makatwirang pagsisikap upang isama ang tumpak at pinakabagong impormasyon sa loob ng website na ito ngunit hindi nagbibigay ng anumang uri ng garantiya o pagpapahayag na tumpak at kumpleto ito. Sumasang-ayon kayo na ang pag-access at paggamit sa website na ito at sa nilalaman nito ay sarili ninyong pagpapasya. Ang Cristcot, o anumang mga partido na kasangkot sa paggawa o paghahatid ng website na ito ay hindi kailanman mananagot para sa anumang pinsala, kabilang nang walang limitasyon, ang direkta, nagkataon, kinahinatnan, hindi direkta o pagpaparusang mga danyos-pinsala, na nagmumula sa pag-access at paggamit sa, o kawalang-kakayahang magamit ang website na ito, o anumang pagkakamali o hindi isinama sa nilalaman nito. Kabilang sa limitasyong ito ang mga pinsala sa, o anumang mga virus na nakakapasok sa inyong computer.

Bayad-pinsala   Sumasang-ayon kayo na babayaran, dedepensahan at hindi papanagutin ang Cristcot, ang mga opisyal, direktor at empleyado nito, at mga kasamahan nitong ikatlong partido mula sa mga pagkawala, gastos, pinsala at halaga, kabilang ang mga bayad ng abogado, na nagmumula sa anumang paglabag ninyo sa Mga Tuntunin sa Paggamit na ito.

Pagkapribado   Iginagalang ng Cristcot ang pagkapribado ng mga gumagamit ng website nito.  Mangyaring sumangguni sa Patakaran sa Pagkapribado na nagpapaliwanag sa mga karapatan at responsibilidad ng mga gumagamit pagdating sa impormasyon na isinisiwalat sa loob ng website na ito.

Mga Website at Link ng Ikatlong Partido   Ang website na ito ay maaaring ma-access mula sa mga link ng ikatlong partido kung saan walang kontrol ang Cristcot. Walang ibinibigay ang Cristcot na anumang uri ng garantiya o pagpapahayag na tumpak o kumpleto ang alinmang impormasyong nilalaman ng mga website ng ikatlong partido at hindi ito kailanman magkakaroon ng pananagutan para sa anumang mga pinsala na nagmumula sa naturang nilalaman o impormasyon.

Impormasyong Medikal   Ang website na ito ay maaaring maglaman ng impormasyong nauugnay sa iba’t ibang pamamaraang medikal, kundisyong medikal, ang mga diagnosis at/o paggamot sa mga ito. Ang impormasyon sa loob ng website na ito ay hindi payong medikal at ipinagkakaloob para magbigay ng impormasyon. Ang website na ito ay hindi pamalit sa konsultasyon at patalastas mula sa isang doktor o kwalipikadong propesyonal sa pangangalagang pangkalusugan. Hindi dapat gamitin ng mga pasyente ang impormasyon sa loob ng website na ito para i-diagnose ang isang problema sa kalusugan o karamdaman. Dapat konsultahin ng mga pasyente ang isang doktor o tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan para sa diagnosis at paggamot ng mga problema sa kalusugan.

Mga Tatak-pangkalakal   Lahat ng produkto, nang mayroon o walang mga simbolo ng tatak-pangkalakal sa anumang sukat ng pagkakalimbag, ay mga tatak-pangkalakal na pagmamay-ari ng Cristcot maliban kung iba ang nakasaad. Ang paggamit o hindi tamang paggamit sa mga tatak-pangkalakal na ito o anumang materyales na nilalaman ng website na ito ay hayagang ipinagbabawal at maaaring paglabag sa batas sa karapatang-ari at tatak-pangkalakal. Aktibo at puspusang dinedepensahan ng Cristcot ang mga karapatan nito sa intelektuwal na pag-aari sa sukdulang hangganan ng batas.

Mga Karapatang-ari   Ang mga nilalaman ng website na ito ay napapailalim sa batas sa karapatang-ari. Karapatang-ari ã 2020 Cristcot HCA LLC.

Walang Bisa Kung Saan Ipinagbabawal   Nilalayon na sumunod ang website na ito at ang mga nilalaman nito sa mga batas at regulasyon ng Estados Unidos. Ang website na ito ay maaaring ma-access ng mga gumagamit sa labas ng Estados Unidos at ang mga ibang bansa ay maaaring may mga batas, mga panregulatoryong kakailanganin at mga kalakarang medikal na iba sa mga nasa Estados Unidos. Ang website na ito ay maaaring naglalaman ng impormasyon na naaangkop sa isang partikular na bansa o rehiyon. Hindi lahat ng impormasyon sa website na ito ay maaaring magamit o naaangkop sa lahat ng tao o heograpikong rehiyon. Ang impormasyong nilalaman ng website na ito ay maaaring walang bisa kung saan ipinagbabawal.

Namamahalang Batas   Ang Kasunduan na ito sa Mga Tuntunin sa Paggamit at sa paggamit sa website na ito ay pamamahalaan ng batas ng Estado ng Delaware.

Iba pa   Kung may alinmang (mga) probisyon ng Kasunduan na ito sa Mga Tuntunin sa Paggamit ang matutuklasang labag sa batas, walang bisa o hindi maipatutupad, ang naturang (mga) probisyon ay maaaring tanggalin nang hindi inaapektuhan ang kakayahang maipatupad ng mga natitirang probisyon. Inilalaan ng Cristcot ang karapatang alisin o baguhin ang impormasyon at nilalaman mula sa website na ito sa anumang oras.


Kasalukuyang nagrerekrut sa mga lugar ng pag-aaral sa buong mundo. Para mahanap ang pinakamalapit na lugar ng pag-aaral sa iyo, pindutin ito.

GB 4.1.5.3 Cessa flavicon.png
 

Cristcot HCA LLC 9 Damonmill Square, Suite 4A, Concord, MA 01742 USA

Patakaran sa Pribasiya | Mga Tuntunin sa Paggamit

Cessa ang pangalan ng kasalukuyang klinikal na pag-aaral para sa mga pasyenteng may ulcerative colitis. Hindi ito gamot na mabibili sa merkado/ pamilihan. 

Kung ikaw ay nakakaranas ng mga sintomas na may kinalaman sa IBD, kontakin ang iyong gastroenterologist