Privacy Policy - TL ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

a clinical study for people with

ulcerative colitis

Patakaran sa Pribasiya


Petsa ng Pagkakaroon ng Bisa: Ika-1 ng Enero 2020

Pinamamahalaan ng dokumentong ito ang abiso sa pagkapribado ng aming website na cessa-uc.com. Inilalarawan nito kung paano ginagamit at pinoprotektahan ng Cristcot HCA LLC. (kilala bilang โ€žCristcotโ€, โ€žcessaโ€, โ€žcessa-ucโ€ o โ€žwebsiteโ€), ang may-ari at tagapangasiwa ng cessa-uc.com website, ang anumang โ€žPersonal na Datosโ€ kapag ginagamit ninyo ang website na ito.

Mangyaring basahin nang mabuti ang aming abiso sa pagkapribado upang malinaw na maintindihan kung paano namin kinokolekta, ginagamit, pinoprotektahan o hinahawakan ang inyong Personal na Datos.

Maaari naming baguhin ang abiso sa pagkapribado na ito paminsan-minsan sa pamamagitan ng pag-update sa pahinang ito. Dapat ninyong tingnan ang pahinang ito paminsan-minsan upang siguraduhin na sumasang-ayon kayo sa anumang mga pagbabago.

Ang impormasyon para sa pakikipag-ugnayan para sa mga tanong at komento na may kinalaman sa patakaran na ito ay: research@cessa-uc.com.

Mga Paksa na Saklaw ng Aming abiso sa Pagkapribado

Inyong mga Karapatan

Anong Personal na Impormasyon ang Kinokolekta Namin?

Paano Namin Ginagamit ang Inyong Impormasyon?

Mga Dahilan Para sa Paggamit sa Inyong Personal na Datos

Paano Namin Pinoprotektahan ang Inyong Impormasyon?

Pagtatabi at Pagsira ng Inyong Personal na Impormasyon

Mga Paglalabas ng Impormasyon na Iniaatas ng Batas

Mga Pagsisiwalat sa mga Kahalili

Pagbawi sa Inyong Pahintulot para sa Paggamit sa Inyong Personal na Impormasyon

Internasyonal na mga Paglilipat at Pag-iimbak ng Datos

Mga Web Beacon

Abiso sa Pagkapribado ng Google Ad at Network ng Nilalaman

Abiso sa Pagkapribado ng Google Analytics

Google Remarketing

Facebook Remarketing

Pakikipag-ugnayan sa Amin Tungkol sa Inyong Personal na Impormasyon

Mga Setting ng Huwag Subaybayan (Do Not Track, DNT)

Paggamit sa Inyong Credit Card

Batas sa Proteksyon ng Pagkapribado ng mga Bata sa Online (Children Online Privacy Protection Act, COPPA)

Mga Tanong Tungkol sa Aming Patakaran sa Pagkapribado

Inyong mga Karapatan
Kapag ginagamit ang aming website at nagsusumite ng personal na datos sa amin, maaaring mayroon kayong mga partikular na karapatan sa ilalim ng Pangkalahatang Regulasyon sa Proteksyon ng Datos (General Data Protection Regulation, GDPR) at iba pang mga batas. Depende sa legal na batayan ng pagproseso sa inyong personal na datos, maaari ninyong gamitin ang ilan o lahat ng sumusunod na karapatan:

Karapatang mabigyan ng impormasyon

May karapatan kayong mabigyan ng impormasyon tungkol sa personal na datos na kinokolekta namin mula sa inyo, at paano namin pinoproseso ito.

Karapatan sa access

May karapatan kayong makakuha ng kumpirmasyon na ang inyong personal na datos ay pinoproseso at may kakayahan kayong i-access ang inyong personal na datos.

Karapatan sa pagpapawasto

May karapatan kayong ipawasto ang inyong personal na datos kung ito ay hindi tumpak o hindi kumpleto.

Karapatang ipaalis (karapatang makalimutan)

May karapatan kayong hilingin na tanggalin o alisin ang inyong personal na datos kung walang mahalagang dahilan para patuloy naming iproseso ito.

Karapatang higpitan ang pagproseso

May karapatan kayong โ€˜haranginโ€™ o higpitan ang pagproseso sa inyong personal na datos. Kapag hinihigpitan ang inyong personal na datos, pinahihintulutan kaming iimbak ang inyong datos, ngunit hindi na ito iproseso.

Karapatang mailipat ang datos

May karapatan kayong hingin at makuha ang inyong personal na datos na ibinigay ninyo sa amin at gamitin ito para sa inyong sariling mga layunin. Ibibigay namin sa inyo ang inyong personal na datos sa loob ng 30 araw ng inyong kahilingan. Upang hingin ang inyong personal na datos, mangyaring makipag-ugnayan sa amin gamit ang impormasyon sa itaas na bahagi ng abiso sa pagkapribado na ito.

Karapatang tumutol

May karapatan kayong tutulan ang pagproseso namin ng inyong personal na datos para sa mga sumusunod na dahilan:

Ang pagproseso ay batay sa mga lehitimong pakinabang o pagganap ng gawain para sa kapakanan ng publiko/pagpapatupad ng opisyal na kapangyarihan (kabilang ang profiling);

ยท        Direktang pagbebenta (kabilang ang profiling);

ยท        Ang pagproseso ay para sa mga layunin ng siyentipiko/pangkasaysayang pananaliksik at istatistika.

ยท        Ginamit ang automated na indibidwal na pagdedesisyon at profiling.

ยท        Paghahain ng Reklamo sa mga Awtoridad

May karapatan kayong maghain ng reklamo sa mga tagapangasiwang awtoridad kung ang inyong impormasyon ay hindi naproseso alinsunod sa Pangkalahatang Regulasyon sa Proteksyon ng Datos. Kung hindi angkop na matugunan ng mga tagapangasiwang awtoridad ang inyong reklamo, may karapatan kayong dumulog sa korte.

Anong Personal na Impormasyon ang Kinokolekta Namin?

Hindi kami nangongolekta ng impormasyon mula sa inyo kapag bibisita kayo sa aming website. Hindi kami nag-aalok ng paraan upang mag-order, mag-subscribe sa isang pahayagan/newsletter o magpasok ng impormasyon sa aming website. Walang mga form o mga patlang para ilagay ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan sa aming website. Sinasadya ito. Inilalarawan sa ibaba ang impormasyong hindi nakakatukoy ng pagkakakilanlan na nakokolekta sa paggamit ninyo ng internet sa pamamagitan ng IP address sa inyong computer. Kabilang dito ang impormasyong kinokolekta ng mga ikatlong partido kapag bibisita kayo sa mga website, kabilang ang sa amin.

Kapag magba-browse kayo sa aming website, maaari kaming makatanggap ng datos ng trapiko na inirerehistro ng mga hosting server, mga cookie na maaaring magbahagi ng ilang impormasyong hindi nakakatukoy ng pagkakakilanlan at ang internet protocol (IP) address ng inyong computer. Maaari rin naming gamitin ang impormasyong iniaalok ng iba pang mga panlabas na serbisyo para sa pag-aanalisa ng trapiko, tulad ng Google Analytics.

Paano Namin Ginagamit ang Inyong Impormasyon?

Maaari naming gamitin ang impormasyong hindi nakakatukoy ng pagkakakilanlan na nakokolekta namin mula sa mga ikatlong partido, tulad ng Google Analytics, para sa mga sumusunod na pangunahing layunin.

ยท        Upang pangasiwaan ang website at ibigay sa inyo ang impormasyong inilalarawan dito.

ยท        Upang pahusayin ang kalidad ng aming website at ang ibinigay na impormasyon.

ยท       Para sa panloob na pagtatala at mga layuning pang-istatistika.

Mga Dahilan para sa Paggamit sa Inyong Personal na Datos

Ang impormasyong kinokolekta at iniimbak namin na nauugnay sa inyo ay pangunahing ginagamit upang makapagbigay kami ng impormasyon sa inyo.

Pagbabahagi ng Impormasyon sa mga Kasamahan at Iba pang Ikatlong Partido

Hindi namin ibebenta, ikakalakal o ililipat sa mga ikatlong partido ang anumang impormasyon ng bisita na hindi nakakatukoy ng pagkakakilanlan o personal na datos tungkol sa mga gumagamit sa aming website.

Hindi kabilang dito ang mga iba pang partidong tumutulong sa amin sa pangangasiwa sa aming website, pagsasagawa ng aming negosyo (kabilang ang mga abogado at mga mananaliksik sa klinika) mga kasosyo sa negosyo o prospektibo na kasosyo sa negosyo, sa klinikal na pag-aaral at mga pangangasiwa ng negosyo sa industriya tulad ng pagbebenta, pagkuha, o pagsasanib ng aming mga ari-arian. Sumasang-ayon ang lahat ng naturang partido na panatilihing kumpidensyal ang impormasyong ito at sa pagturing sa mga ito alinsunod sa mga batas at alituntunin sa proteksyon ng personal na datos.

Maaari rin naming ilabas ang impormasyon kapag ang paglalabas dito ay naaangkop upang sumunod sa batas, ipatupad ang mga patakaran ng aming site, o protektahan ang mga karapatan, ari-arian o kaligtasan namin o ng mga iba pa.

Gayunpaman, ang impormasyon ng bisita na hindi nakakatukoy ng pagkakakilanlan ay maaaring ibigay sa mga ikatlong partido para sa pagbebenta, pagpapatalastas, o iba pang kahalintulad na mga paggamit.

Paano Namin Pinoprotektahan ang Inyong Impormasyon?

Hindi kami nangongolekta ng impormasyong nakakatukoy ng pagkakakilanlan mula sa mga bisita sa aming mga website. Ang inyong impormasyon ng bisita na hindi nakakatukoy ng pagkakakilanlan ay iniimbak sa mga ligtas na server at network at maa-access lamang ng limitadong bilang ng mga tao na may espesyal na mga karapatan sa pag-access sa mga naturang sistema at obligadong panatilihin ang impormasyon na kumpidensyal.

Ginawa namin ang aming website gamit ang mga paraan ng kaligtasan na nasa pamantayan ng industriya at kasangkapan sa pagpapatunay upang protektahan ang kaligtasan ng inyong personal na datos. Kami at ang mga ikatlong partidong nagbibigay ng mga serbisyo sa amin, ay nagpapanatili rin ng mga teknikal at pisikal na pananggalang upang protektahan ang inyong personal na datos. Kaya lang, hindi namin magagarantiyang hindi mawawala o hindi magagamit sa maling paraan ang inyong personal na datos o ang ligtas na pagpapadala ng datos sa Internet dahil sa uri nito. Mariin namin kayong hinihikayat na protektahan ang inyong personal na datos at huwag itong ibahagi sa sinuman sa pamamagitan ng pagsunod sa ilang opsyon sa pag-opt out para sa mga ikatlong partido na nangongolekta ng impormasyon ng bisita na hindi nakakatukoy ng pagkakakilanlan mula sa inyong pagbisita sa aming website. Dapat palagi kayong mag-log out mula sa web browser pagkatapos ninyong gamitin ito, lalo na kung hindi lang kayo ang gumagamit sa computer o gumagamit kayo ng computer sa isang pampublikong lugar.

Pagtatabi at Pagsira ng Inyong Personal na Impormasyon

Itinatabi namin ang impormasyon ng bisita na hindi nakakatukoy ng pagkakakilanlan na kinokolekta namin mula sa inyong pagbisita sa aming website hanggaโ€™t kailangan lang namin ito para sa mga layuning pagsunod sa batas o para sa negosyo. Maaaring itabi ang inyong impormasyon sa elektronikong anyo, nakasulat sa papel, o kombinasyon ng dalawa. Kapag hindi na kailangan ang inyong impormasyon, sisirain, tatanggalin, o aalisin namin ito.

Mga Paglalabas ng Impormasyon na Iniaatas ng Batas

Maaari kaming atasan ng batas na isiwalat ang inyong personal na datos kung ang naturang pagsisiwalat ay (a) iniaatas ng subpoena, batas, o iba pang legal na proseso; (b) kinakailangan upang tulungan ang mga opisyal na tagapagpatupad ng batas o mga tagapagpatupad na ahensiya ng pamahalaan; (c) kinakailangan upang imbestigahan ang mga paglabag o kaya ipatupad ang aming mga Legal na Tuntunin; (d) kinakailangan upang protektahan kami mula sa legal na aksyon o mga paghahabol ng mga ikatlong partido, kabilang kayo at/o iba pang mga gumagamit o miyembro; o (e) kinakailangan upang protektahan ang mga legal na karapatan, personal na pag-aari/real property, o personal na kaligtasan ng aming kompanya, mga gumagamit, empleyado, at kasamahan.

Mga Pagsisiwalat sa mga Kahalili

Kung mabenta o makipagsanib ang aming negosyo, ang kabuuan o bahagi lamang nito, sa iba pang negosyo na magiging responsable para sa pagkakaloob ng website sa inyo, mananatili sa amin ang karapatang ilipat ang inyong personal na impormasyon sa bagong negosyo. Mananatili sa bagong negosyo ang karapatang gamitin ang inyong personal na impormasyon alinsunod sa mga tuntunin ng abiso sa pagkapribado na ito pati na rin sa anumang mga pagbabago sa abiso sa pagkapribado na ito ayon sa itatakda ng bagong negosyo. Mananatili rin sa amin ang karapatan na ilipat ang inyong personal na impormasyon kung maghahain ang aming kompanya ng pagkabangkarote at ang ilan o lahat ng aming ari-arian ay mabebenta sa ibang indibidwal o negosyo.

Pagbawi sa Inyong Pahintulot para sa Paggamit sa Inyong Personal na Impormasyon

May karapatan kayong bawiin ang inyong pahintulot na gamitin namin ang inyong personal na impormasyon sa anumang oras. Ang ganoong pag-opt out ay hindi makakaapekto sa mga pagsisiwalat na pinahihintulutan naman ng batas kabilang ngunit hindi limitado sa: (i) mga pagsisiwalat sa mga kasamahan at kasosyo sa negosyo; (ii) mga pagsisiwalat sa mga ikatlong partidong tagapagbigay ng serbisyo para sa aming negosyo, tulad ng mga serbisyo sa computer system, mga serbisyo sa pamamahala ng datos, at iba pa na tumutulong sa pagmementena ng website, (iii) mga pagsisiwalat sa mga ikatlong partido ayon sa kinakailangan upang matugunan ang inyong mga kahilingan, (iv) mga pagsisiwalat sa mga ahensiya ng pamahalaan o mga departamentong tagapagpatupad ng batas, o ayon sa iniaatas na gawin sa ilalim ng naaangkop na batas, (v) mga nauna nang nakumpletong pagsisiwalat sa mga ikatlong partido. Kung gusto ninyong bawiin ang inyong pahintulot na gamitin namin ang inyong personal na impormasyon maaari kayong makipag-ugnayan sa amin gamit ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan na matatagpuan sa itaas na bahagi ng abiso na ito.

Internasyonal na mga Paglilipat at Pag-iimbak ng Datos

Ang personal na datos na hindi nakakatukoy ng pagkakakilanlan na kinokolekta namin mula sa pagbisita ninyo sa aming website ay maaaring maimbak, maproseso, at malipat sa pagitan ng anumang mga bansa kung saan kami nagnenegosyo, lalo na sa Estados Unidos. Hindi natagpuan ng European Union na may sapat na antas ng proteksyon ng personal na datos ang Estados Unidos sa ilalim ng Artikulo 45 ng GDPR. Umaasa ang aming kompanya sa mga bahagyang pagpapaluwag sa batas para sa mga partikular na sitwasyon ayon sa ipinapakahulugan sa Artikulo 49 ng GDPR. Para sa mga customer at gumagamit sa European Union, kapag may pahintulot kayo, maaaring ilipat ang inyong personal na datos sa labas ng European Union patungo sa Estados Unidos. Saan man namin ililipat, ipoproseso o iiimbak ang inyong personal na datos, gagawa kami ng mga makatwirang hakbang upang protektahan ito. Gagamitin namin ang impormasyong kinokolekta namin mula sa inyo alinsunod sa aming abiso sa pagkapribado. Kapag gagamitin ninyo ang aming website, sumasang-ayon kayo sa mga paglilipat ng inyong personal na datos na inilalarawan sa loob ng seksyong ito.

Mga Web Beacon

Maaari naming gamitin ang isang teknolohiyang tinatawag na mga web beacon upang mangolekta ng impormasyong hindi nakakatukoy ng pagkakakilanlan tungkol sa paggamit ninyo sa aming website. Pahihintulutan kami ng impormasyong maaari naming makolekta sa pamamagitan ng mga web beacon na i-monitor ang istatistika ng gawi ng aming mga bisita.

Abiso sa Pagkapribado ng Google Ad at Network ng Nilalaman

Ang mga ikatlong partido na vendor, kabilang ang Google, ay gumagamit ng mga cookie upang magbigay ng mga patalastas batay sa mga nakaraang pagbisita ng isang gumagamit sa aming website. Ang paggamit ng Google ng DoubleClick cookie ay nagbibigay-kakayahan dito at sa mga kasosyo nito na magbigay ng mga patalastas sa mga gumagamit batay sa kanilang mga pagbisita sa aming site at/o mga iba pang site sa internet. Maaaring mag-opt out ang mga gumagamit mula sa paggamit ng DoubleClick cookie para sa pagpapatalastas na nakabase sa internet sa pamamagitan ng pagbisita sa http://www.aboutads.info/choices/. Para sa mga gumagamit sa Europe bisitahin ang http://www.youronlinechoices.eu.

Abiso sa Pagkapribado ng Google Analytics

Maaaring gamitin ng aming website ang Google Analytics upang mangolekta ng impormasyon tungkol sa paggamit sa aming website. Kinokolekta ng Google Analytics ang impormasyon mula sa mga gumagamit gaya ng edad, kasarian, mga kinawiwilihan, mga demograpiko, gaano kadalas silang bumibisita sa aming website, anong mga pahina ang binibisita nila, at ang iba pang mga website na ginamit nila bago sila pumunta sa aming website. Maaari naming gamitin ang impormasyong nakukuha namin mula sa Google Analytics upang suriin ang trapiko, i-market muli ang aming mga produkto at serbisyo sa mga gumagamit, pahusayin ang aming pagbebenta, pagpapatalastas, at pahusayin ang aming website. Maaari naming paganahin ang mga katangian ng pagpapatalastas sa Google Analytics tulad ng pag-market muli (remarketing) gamit ang Google Analytics, Google Display Network Impression Reporting, at Google Analytics Demographics at Interest Reporting. Kinokolekta lamang ng Google Analytics ang IP address na nakatalaga sa inyo sa petsa ng inyong pagbisita sa aming website, hindi ang inyong pangalan o iba pang impormasyong nakakatukoy ng pagkakakilanlan. Hindi namin isinasama sa personal na datos ang impormasyong nakokolekta gamit ang Google Analytics. Bagamaโ€™t naglalagay ang Google Analytics ng permanenteng cookie sa inyong web browser upang tukuyin kayo bilang natatanging gumagamit sa susunod na pagbisita ninyo sa aming website, walang ibang makakagamit sa cookie na ito bukod sa Google. Gumagamit din ang Google ng mga partikular na tagatukoy upang tumulong sa pagkolekta ng impormasyon tungkol sa paggamit sa aming website. Para sa karagdagang impormasyon kung paano kinokolekta at pinoproseso ng Google ang inyong datos, bisitahin ang https://www.google.com/policies/privacy/partners/.

Maaari ninyong hadlangan ang Google Analytics sa paggamit sa inyong impormasyon sa pamamagitan ng pag-opt out sa link na ito: https://tools.google.com/dlpage/gaoptout.

Google Remarketing

Maaaring gumamit ang aming website ng serbisyong remarketing na pagpapatalastas. Ang mga serbisyo sa remarketing na ipinagkakaloob ng Google at iba pang mga kompanya ay nagpapakita ng mga patalastas sa aming mga website sa kabuuan ng Internet. Sa remarketing maaari kayong makakita ng mga patalastas para sa mga produkto na maaaring tiningnan na ninyo noon. Bilang halimbawa, bibisita kayo sa isang website na nagbebenta ng mga computer, ngunit hindi kayo bibili ng computer sa inyong unang pagbisita sa naturang website. Maaaring hihikayatin kayo ng may-ari ng website na muling bisitahin ang site at bumili ng computer sa pamamagitan ng pagpapakita muli sa inyo ng pareho, o kahalintulad na patalastas sa iba pang mga website na bibisitahin ninyo. Maaari kaming gumamit ng remarketing para sa mga kahalintulad na layunin. Para mangyari ito, babasahin ng Google ang isang cookie na nasa inyong browser na, o maglalagay sila ng cookie sa inyong browser kapag bibisita kayo sa aming site o iba pang mga site gamit ang remarketing.

Maaari kayong mag-opt out sa paggamit ng Google ng mga cookie at remarketing sa link na ito: https://support.google.com/ads/answer/2662922?hl=en o maaari kayong mag-opt out gamit ang Network Advertising Initiative opt out page sa: http://optout.networkadvertising.org/#!/.

Facebook Remarketing

Ang mga ikatlong partido, kabilang ang Facebook, ay maaaring gumamit ng mga cookie, web beacon, at iba pang mga teknolohiya ng pag-iimbak upang mangolekta o tumanggap ng impormasyon mula sa aming website at saan pa man sa internet, at gamitin ang naturang impormasyon upang magbigay ng mga serbisyong pagsukat at mga naka-target na patalastas. Sa Facebook remarketing maaari ninyong makita ang aming mga patalastas sa Facebook matapos ninyong bisitahin ang aming site. Para mangyari ito, gumagamit ang Facebook ng Custom Audience Pixel na naa-activate kapag dumarating ang bisita sa isang webpage at nailalagay ang isang natatanging โ€œcookieโ€ sa browser ng mga bisita. Pinahihintulutan ng Facebook lookalike audience targeting ang mga website na tulad ng sa amin na magpakita ng mga patalastas sa Facebook sa mga tao na kahalintulad ng mga bumisita na sa aming website. Upang mag-opt out sa pangongolekta at paggamit ng Facebook ng impormasyon para sa ad targeting bisitahin ang: https://www.facebook.com/help/568137493302217.

Pakikipag-ugnayan sa Amin Tungkol sa Inyong Personal na Impormasyon

Maaari kayong makipag-ugnayan sa amin gamit ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan na matatagpuan sa itaas na bahagi ng abiso na ito at tutulungan namin kayong maintindihan ang paggamit namin ng personal na impormasyon. Gayunpaman, maaari naming itabi ang inyong personal na impormasyon ayon sa kinakailangan upang ipatupad ang aming mga kasunduan at sumunod sa anumang mga legal na obligasyon.

Mga Setting ng Huwag Subaybayan

Ang ilang mga web browser ay may mga setting na nagpapahintulot sa inyong hilingin na huwag subaybayan ng aming website ang inyong mga ginagawa sa loob ng aming website. Maaari ninyong i-off ang mga katangiang pagsusubaybay at iba pang mga setting ng kaligtasan sa inyong browser sa pamamagitan ng pagsangguni sa manual ng gumagamit ng inyong browser.

Aming Patakaran sa Email

Hindi namin kinokolekta ang inyong email address. Bilang bahagi ng aming patakaran sa negosyo, hindi namin kayo kokontakin sa pamamagitan ng email address na ginagamit ninyo sa pakikipag-ugnayan sa amin gamit ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan na nakalista sa itaas na bahagi ng abiso na ito. Kung makikipag-ugnayan kayo sa amin sa pamamagitan ng email, sasagutin lang namin ang komunikasyon na kayo ang nagpasimula. Ituturing namin ang inyong email address alinsunod sa mga patakaran kaugnay ng pagturing sa inyong personal na impormasyon na inilalarawan sa loob ng abiso na ito.

Paggamit sa Inyong Credit Card

Hindi nagpoproseso ang aming website ng mga pinansiyal na transaksyon.

Batas sa Proteksyon ng Pagkapribado ng mga Bata sa Online (Children Online Privacy Protection Act, COPPA)

Hindi kami sadyang nangongolekta ng personal na impormasyon mula sa mga bata na wala pang 16 taong gulang. Kung kayo ay magulang o tagapangalaga at naniniwala kayo na ginagamit ng inyong anak ang aming website, mangyaring makipag-ugnayan sa amin. Tinatanggap ninyo na hindi namin pinatutunayan ang edad ng mga gumagamit sa aming website at wala kaming anumang pananagutan na gawin ito.

Mga Tanong Tungkol sa Aming Patakaran sa Pagkapribado

Kung mayroon kayong anumang mga tanong tungkol sa aming patakaran sa pagkapribado, mangyaring makipag-ugnayan sa amin gamit ang impormasyon na nasa itaas na bahagi ng abiso na ito.


Kasalukuyang nagrerekrut sa mga lugar ng pag-aaral sa buong mundo. Para mahanap ang pinakamalapit na lugar ng pag-aaral sa iyo, pindutin ito.

GB 4.1.5.3 Cessa flavicon.png
 

Cristcot HCA LLC 9 Damonmill Square, Suite 4A, Concord, MA 01742 USA

Patakaran sa Pribasiya | Mga Tuntunin sa Paggamit

Cessa ang pangalan ng kasalukuyang klinikal na pag-aaral para sa mga pasyenteng may ulcerative colitis. Hindi ito gamot na mabibili sa merkado/ pamilihan. 

Kung ikaw ay nakakaranas ng mga sintomas na may kinalaman sa IBD, kontakin ang iyong gastroenterologist